Sa isang kanto, isang matanda'y iika-ikang naglalakad
Nakangisi, sinusuklay ang makintab na buhok
Handang-handa nang umalis, dali-daling pumara ng jeep
Sa kanyang pagsakay, buhok ay nawala,
ang hangin ang tumangay.
Sa kanto ring iyon, isang ale ang aking namataan
Bihis na bihis, may akay na paslit
Handang-handa nang umalis, dali-daling pumara ng jeep
Sa kanyang pagwagayway, hindi namalayan,
buhok sa kanyang kilikili'y kumakaway.
Sa isang kanto, ako'y nakadukong naglalakad
Isang jeep biglang huminto, isang dilag ang bumaba.
Sa pagkamangha sa kanyang kagandahan,
siya'y aking nabangga
Ako'y humingi ng paumanhin,
ngunit ako'y hindi pinansin.
Sa kanto ring iyon kinabukasan ako'y bumalik
Paghinto ng jeep, ang binibini'y aking muling nakita
Sa pagbaba niya, panyo ay kanyang nabitawan
Sa kanyang dahan-dahang pagdampit, ako'y kinilabutan...
Mabuhok niyang dibdib aking nasilayan!
- Mystery
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
The word "pagdampit" in the second to the last sentence should be "pagdampot"
Post a Comment