Ang tula ay isang pagsasalaysay,
Mayroong simula, mayroong katapusan,
Mga pangyayari sa ating buhay,
Mga aral na hindi makakalimutan.
Sa pagsulat ng tula puso’y kailangan,
Kailangang mahalin ang galit,
Diligin ang luha ng kasiyahan,
At yakapin ang takot sa dibdib.
Sa pagsulat ng tula dapat may pinag-uusapan,
Mga bagay-bagay o di kaya’y karanasan,
Hagilapin sa paligid o sa panaginip man,
At hayaang mga salita ang magbigay-laman.
Tunggalian ay huwag kalilimutan,
Buuin ang buhay ng buti at sama,
Sa liwanag at dilim ilagay ang tauhan,
Kabigua’t tagumpay hayaang kusa.
Makata’y hindi nabubuhay nang mag-isa,
Sa pagtulog at paggising siya’y may kinakasama,
Ang dalamhati ng mamamaya’y sa dibdib niya,
Ang kanilang ginagawa sa isipa’y gumagala.
Nagsusulat ng tula ay iilan lamang,
Marahas na salita dulot ay kamatayan!
Hanapin ang kabuluha't kadakilaan
Sa pagsuyod sa mundo ng Katalinghagaan!.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Who wrote this?
Post a Comment