Monday, October 22, 2007

Salin ng "Mushroom" ni Sylvia Plath

Kabu-Kabute
Sylvia Plath


Magdamagan, napaka-
Puti, hindi pansinin.
Napaka-mapangdili.

Tintinan, ilong nami'y
Kumakapit sa lupa.
Umaangkin sa hangin.

Walang sasaksi sa'min,
Pipigil o tataksil;
Bubutil, nagsi-usog.

Kuom-palad pilit ay
Bumatak ng karayom,
Ng madahong higaan,

Pati na ng aspalto.
Martilyo, maso namin,
'Alang tenga ni mata,

Puspusang walang tinig,
Mga biyak bubuksan,
Butas, suongin. Kami'y

Nagt�t�sa ng tubig,
Ng mumo ng anino.
Mahinahon, hiling ay

Kakarampot o wala.
Napakarami namin!
Napakarami namin!

Kami'y tokador, kami'y
Lamesa, kami'y dukmo
Kami ay makakain.

Mang-udyok, mang-tulak,
Maski na ano kami,
Kami ay dumarami.

'Pag umaga na, aming
Mamanahin ang mundo.
Paa nami'y sa bungad.

salin ni Lawrence Anthony Bernabe

tala: ito ay ipinadala sa akin ni Lawrence sa e-mail, nais ko itong i-share sa inyo para sabihing may angking kagandahan din ang pagsasalin.

No comments: