Ni V A F Dipanasalang
The author is a UPV third year student.
May kakaibang sigla
Ang aming dugo
Sa pakikibahagi
Sa kontradiksyon.
Sa pagdaloy, naiilarawan ang aming ilog
Sa pagdanak, ang aming dugo
At sa digmaan, ang aming tagumpay.
Sa paghahanap, paninipit, pagpipisil
Paghawak, pagkita, pagdamdam
Ng mga kontradiksyon
Tungo sa kapuspusan
Ng pagiging tao;
Sa paniniig, pamumuhay
Pagbukas ng ating mata
At pagkilala
Sa mga naglalakihang
Gusaling nakatayo
Sa lipunan sa
Pagdaloy ng kasaysayan;
Sa paglansag sa mga ito
At sa pagsigaw
Ng tamang pakikibaka
Sa pagbubukang-liwayway
Ng katauhan
Ang ating paglalakbay pilitin mang sagkaan,
Tayo’y iipon , titindi, lalakas,
Magbabalikwas at baha na lalaban!
At sa dulo ng ating pakikibaka,
Ang lahat at lahat ay babalik
Sa masa, ang dagat nating ina!
Sunday, December 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment