Saturday, June 21, 2008

paano pumatay ng demonyo

paano pumatay ng demonyo
Rodelen Paccial

...at kung paano pumatay ng demonyo,
yan ang huling lektyur nya sa amin,
bago siya magkayab sa kalangitan.

palitan mo ang kanyang pangalan.
sa iyong isip,
gawin mong Kerwin o Jhun-jhun,
ang demonyo'y demonyo lamang
dahil tinatawag mo siyang
katungaling kahanay mo sa listahan
ng mga astig na hangaway.

ika'y malikot na espada,
ika'y mabigat na panghampas,
palitan ang estado ng mundo,
paslangin ang mga demonyong
Kerwin o Jhun-jhun.